MY 20 YRS OLD STROKE SISTER


Para po sa lahat ng makakabasa. Sana magkaroon ng chance na mabigyan kami ng pansin dito. Mabigyan ng kahit anong tulong, financial at Dasal para sa kinakaharap naming buong pamilya. Isa ako sa 10 magkakapatid. Pangalawa po ako sa amin. Mayroon akong kapatid na babae na nasa edad na 20 years old. 18 years old pa lang siya ng ma-stroke. Dahilan para magpabalik-balik kami sa ospital. Tinawag na stroke for the young age ito ayon sa mga doctor na nakaalalay sa kapatid ko. Hindi po iyon naging hadlang para di siya magpatuloy sa pag-aaral. Year 2019 halos patapos na po siya as high school ng makulong po siya. YES po.. Nakulong po ang kapatid ko sa kasalanang wala siyang GINAWA. Nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon siya ng karelasyon sa edad na 20 years old. June nang makilala niya ang bf niya na hindi nagustuhan ng mga magulang namin sa umpisa pa lang. Sabado ng gabe, (November 23,2019)sinundo niya ang kapatid ko para ayain kumain sa labas, nang magpapahatid na ang kapatid ko sa aming bahay. Nagpaalam siya na hintayin siya saglit sa kanilang bahay dahil mayroon lang daw siya kakausapin na kaibigan. naghintay ang kapatid ko sa bahay nila, kasama ang anak niya na. Tumuntong na po ang ala una wala pa siya sa bahay nila. Samantalang ang kapatid ko ay naghihintay pa din sa kwarto niya kasama ang anak niya sa una niyang gf. Nang may biglang pumasok na mga kalalakihan sa bahay nila. Hinalughog ang buong bahay ng bf niya, lumabas ng wala sila dala. Makalipas ang 5 minuto, bumalik ulit ang mga kalalakihan na mga nagpakilala na pulis. Lumabas sa kwarto at biglang may ipinakita sa kanila na maleta na may laman na mga droga. Hindi nila inisa-isa tanungin ang bawat tao na naruon sa bahay na iyon, kundi ang kapatid ko babae ang pinaupo nila sa isang lamesa at ininterview. Dinala sila sa headquarters ng 6am ng umaga. (sunday 24 november 2019) Dumating sa headquarters at duon kasama lang na dinala ay ang nanay, tatay at tiyahin ng kanyang bf. iniwan ang kapatid na lalaki at asawa nito na mga nasa edad na 20 na din. Sa hindi malaman na dahilan. Dinala nila ang kapatid ko sa pasay para ipa-drug test, at ito ay negative! pagbalik ng kapatid ko sa presinto. wala na ang buong pamilya at dun na pinasok agad sa kulungan ang aking kapatid. Kahit isang salita or pagbalita sa aming pamilya walang ginawa ang pamilya. At ang kanyang bf hindi na makita. Napagalaman namin na nagtago na daw at ayaw humarap sa presinto. Pinabayaan nila ng parang baboy ang kapatid ko sa kulungan. Lunes na ng aming malaman na nasa kulungan na siya! nagawa niyang makatawag samin para ipaalam na puntahan siya sa kulungan. Sa madaling salita, at sa sabe ng iba, ito daw ay "Palit-ulo" kung tawagin. Hanggang ngayon, kami magkakapatid ay hirap na hirap sa pagbabayad sa attorney's fee at kada hearing.Sapagkat wala kami nakuha na kahit anong tulong galing sa pamilya. Walang tao ang tumulong at nagbigay gabay samin para sana alam namin ang mga pwede namin gawin. Bagkus madami pa tao ang ginawa kami stupido. Na nagpanggap na kaya kami tulungan pero kami ay ginawa tanga lamang. Kinuhaan pa ng pera sa kabila ng aming pinagdadaanan. Wala kami alam sa mga ganitong bagay.. Kaya wala kami magawa kundi magtanong kung ano ba ang pwede makatulong sa ganito sitwasyon. Hanggang sa humantong na lang kami sa paghingi ng tulong sa isang abogado. Hanggang ngayon nasa piitan pa din ang aking kapatid. Nagdudusa sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Nagdudusa sa pagkakamali ng iba. Naghihirap sa sitwasyong gawa ng masasamang tao. Sana po magkaroon ng kahit po kaunting tulong para sa aking kapatid na babae. Gusto po namin makamit ang hustisya.. Alam ko po na malabo sa bansang ito! Pero naniniwala po ako na darating ang oras na may makakatulong po samin.
There are no donations
No results have been found

Charmaine

Created Apr 16, 2021 Metro manila

0$ of 5,000$ goal

0% Raised by 0 Donations Family