My cousins house was burnt down due to heat.


Mabilis na nilamon ng apoy ang ikalawang palapag ng isang bagong renovate na bahay sa Barangay Guiguilonen, Mangaldan, Pangasinan bandang 8:40 ngayong umaga ng Huwebes, Abril 4.Ayon sa mag-asawang Rexter at Angelyn Gil, may-ari ng bahay, nagsimula ang sunog sa isang maliit na kuwarto na anila’y ginagamit na lamang bilang bodega.Kuwento naman ng mga construction worker na nagtatrabaho sa gilid ng nasunog na bahay, nakarinig sila ng pagputok sa loob ng kuwarto na siyang pinagmulan anila ng sunog.Pinabulaanan naman ng mag-asawa na galing umano sa isang napabayaang china-charge na cellphone ang sunog.Mga tela at foam lamang kasi ang laman ng nasabing kuwarto kung kaya’t hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanila kung paano kumalat ang apoy.Bagamat walang nasaktan sa mag-anak ay nanghihinayang umano sila sa mga naipundar nang gamit sa kanilang bahay bukod pa rito ang higit Php 500,000 na gastos sa pagpapa-renovate ng kanilang tahanan noon lamang nakaraaang taon.Kabilang sa mga nasunog sa bahay ang kanilang mga damit, appliances gaya ng TV at electric fan, 2 cellphone, at iniipong pera.Pasado alas dies ng umaga nang maapula na umano ng Bureau of Fire Protection (BFP) Mangaldan ang apoy.Ayon kay Acting Municipal Fire Marshal FSINSP. Kinber-Ann B. Combate, iniimbestigahan pa rin nila ang totoong pinagmulan ng apoy gayundin ang kabuuang pinsala na idinulot ng sunog.Umantabay lamang sa Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan para sa mga susunod na updates kaugnay sa insidenteng ito. (????????? ???)#Sunog#TagInit2024--------------------------------------------------------

I just copy and pasted the whole story that I got on facebook, a little help would be really appreciated as this cousin of my is one of my closest cousin I have gave him some of my clothes and some food however I am unable to give him some financial support as I too am struggling in terms of monetary funds, any help from anyone even the smallest would really be appreciated to help give my cousin and his family get up once more.
There are no donations
No results have been found

ian jason suratos

Created Apr 10, 2024 Guiguilonen, Mangaldan, Pangasinan, Philippines

0$ of 1,000$ goal

0% Raised by 0 Donations Charity